收聽Flict G.的Paglisan (feat. Yumi) (Acoustic)歌詞歌曲

Paglisan (feat. Yumi) (Acoustic)

Flict G., Yumi2017年5月12日

Paglisan (feat. Yumi) (Acoustic) 歌詞

 

Paglisan (離開) (Acoustic) - Flict G./Yumi

Written by:Reymond Rivera

 

Bakit pa kailangan na masaktan

Ang puso kong ito sa iyong paglisan

Hapdi ang syang naramdaman

Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan

Dahil ba sa huli na ang lahat sayo'y paalam

Sa pagkawala ng relasyon na aking iningatan

Na ngayon ko lang naramdaman at aking naranasan

Ang umibig ng lubos at ibigay ko ang lahat

Tinatanong saking sarili kung hindi pa ba sapat

Ang lahat ng ginawa ko para lamang sa iyo

Bakit kailangan mangyari pa ang mga ganito

Pilit na inaalala mga bagay na nangyari

Saking puso at sa isip kalungkutan ang naghari

At naghiwalay tayo na di man lang nakapag usap

Hanggang sa huling sandali wala ng pangungusap

Na lumalabas sa labi mo na gusto kung malaman

Kung bakit nagkaganto at bakit mo ko iniwanan

Dahil ba sa sabi sabi at mga bali balita

Di mo na ko tinanong at tuluyan kang naniwala

Sinira mo ang tiwala at akoy tinalikuran

Bakit kailangan kung masaktan sa iyong paglisan

Bakit pa kailangan na masaktan

Ang puso kong ito sa iyong paglisan

Hapdi ang syang naramdaman

Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan

Dahil ba sa huli na ang lahat sayo'y paalam

Naghiwalay tayo na kapwa'y may samaan ng loob

At di man lang ako nakaangat sa aking pag lubog

Hanggang sa huling sandali di man lang nakapagpaalam

Katagang nais sabihin hindi man lang nabitawan

Na sana'y mag iingat ka sa lahat ng sandali

Di na ko muling hahabol at magbabakasakali

Na maibalik ang dati at makapiling sa twina

Ang isang katulad mo pagkat wala na ngang pagasa

At hindi talaga tau ang itinakda ng diyos

Kaya ang pagsasama natin ay maagang nag tapos

Bakit kailangan ko pang masaktan sa iyong paglisan

Di ko lubos maisip bat ganito ang kapalaran

Bago magtapos ang awit ko sana'y malaman mo

Na wala na akong ibang inibig kung di ang katulad mo

Ngayong tapos na ang lahat pati ang awiting kung ito

Salamat pagkat naging bahagi ka ng buhay ko

Bakit kailangan humantong sa hiwalyan ng lahat

Ang nangyari sa relasyon natin hindi ko matangap

Hindi ako nagkamali at nag kulang sayo sinta

Ngunit anung isinukli iniwan mong nag-iisa

Bakit pa kailangan na masaktan

Ang puso kong ito sa iyong paglisan

Hapdi ang syang naramdaman

Hindi naba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan

Dahil ba sa huli na ang lahat sayo'y paalam

Bakit pa kailangan na masaktan

Ang puso kong ito sa iyong paglisan

Hapdi ang syang naramdaman

Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan

 

Dahil ba sa huli na ang lahat sayo'y paalam