
Tanging Mamahali'y Ikaw 歌詞
Tanging Mamahali'y Ikaw - Roselle Nava/Kedy Sanchez
Written by:Kedy Sanchez
Kay tagal mong pinaglaruan
Puso'ng umiibig sa iyo lamang
Sa t'wing kapiling mo'y iba
Kirot na 'yong hatid aking iniinday
Puso'y ilang beses iniwan
Ngunit 'di ko rin kayang ika'y layuan
Tahimik lang ako'ng lumuluha
At muling makita ka'y lagi kong dinarasal
Pag sakin nagbalik pag ibig mo at halik
Ang sasalubong sa akin
Ang sugat na dulot mo sa nagdurugong puso
Hihilong at gagaling
Muli kitang hahagkan
Kahit ilang ulit mong damdamin ko'y iyong sinaktan
Ibubulong sa'yo
Ang tanging mamahali'y ikaw
La la la
La la la la
Pilit ko mang talikuran ka
Mas matindi pa ang lungkot na dala
Ako'y hindi mapakali
Puso't damdamin ko ay hinahanap ka
Ano man ang nagawa sakin
Hindi ko maiwasan na ika'y ibigin
Wala ng iba pa sa buhay ko
Tanging ikaw lang ang buong pusong mamahalin
Pag sakin nagbalik pag ibig mo at halik
Ang sasalubong sa akin
Ang sugat na dulot mo sa nagdurugong puso
Hihilong at gagaling
Muli kitang hahagkan
Kahit ilang ulit mong damdamin ko'y iyong sinaktan
Ibubulong sa'yo
Ang tanging mamahali'y ikaw
Pag sakin nagbalik pag ibig mo at halik
Ang sasalubong sa akin
Ang sugat na dulot mo sa nagdurugong puso
Hihilong at gagaling
Muli kitang hahagkan
Kahit ilang ulit mong damdamin ko'y iyong sinaktan
Ibubulong sa'yo
Ang tanging mamahali'y ikaw
Ooh