收聽Mitoy Yonting的Anak歌詞歌曲

Anak

Mitoy Yonting2013年1月1日

Anak 歌詞

Laking tuwa ng magulang mo

At ang kamay nila ang iyong ilaw

At ang ang nanay at tatay mo

“Di malaman ang gagawin

Minamasdan pati pagtulog mo

At sa gabi’y napupuyat ang iyong nanay

Sa pagtimpla nang gatas mo

At sa umaga nama’y kalong ka ng iyong

Amang tuwang-tuwa sa’yo

Ngayon nga ay malaki ka na

At nais mo’y maging malaya

“Di man sila payag walang magagawa

Ikaw nga ay biglang nagbago

Naging matigas ang iyong ulo

At ang payo nila’y sinuway mo

Di mo man lang inisip na ang kanilang

Ginagawa’y para sa’yo

Pagka’t ang nais mo’y masunod ang layaw mo

“Di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw at ang

Landas mo’y naligaw

Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo

At ang una mong nilapitan ang iyong

Inang lumuluha at ang tanong

“Anak, ba’t ka nakaganyan?”

At ang iyong mga mata’y bigla lumuha

Nang di mo napapansin

Pagsisisi ang sa isip mo”t nalaman mong

Ika’y nagkamali

Pagsisisi ang sa isip mo”t nalaman mong

Ika’y nagkamali

Kahapon ay nilimot mo

Pati ang masamang bisyo

Laking pasalamat ng magulang mo

Ikaw nga ay tuluyang nagbago

Natagpuan ang sarili

Galaw ng isip mo matuwid na

Patuloy ang takbo nang araw

At ikaw’y natutong umibig

Hindi naglaon at ipinasya

Mong lumagay ka na sa tahimik

Pagka-binata mo’y natapos na

Malapit ka na maging ama

Kaya lalong nagsikap ng husto

Dumating ang iyong hinihintay

Sinilang ang panganay mo

Parang langit ang iyong nadama

Ngayon anak, alam mo na

Kung anong pakiramdam ng maging isang ama

Ganyan din ang nadarama ng iyong

Ama’t ina nang ikaw ay makita

Ngayon iyong naramdaman

Ngayon iyong naranasan

Ngayon iyong maiintindihan

Tama pala ang iyong ina

Tama pala ang iyong ama

Ngayon hindi ka na magtataka

Hindi pala birong maging magulang

O ngayon iyong dinaranas

Hindi pala birong maging magulang

O ngayon iyong dinaranas

Hindi pala birong maging magulang

 

O ngayon iyong dinaranas

Anak 的評論 (4)

come_sa
come_sa

the best voice ever... 👍

Salman Sala
Salman Sala

mitoy the legend

the best mitoy

Salman Sala
Salman Sala

galing mo idol

Nazrin permas 30
Nazrin permas 30

the best mitoy