收聽Cup of Joe的Sinderela歌詞歌曲

Sinderela

Cup of Joe2019年4月5日

Sinderela 歌詞

Sinderela - Cup of Joe

Lyrics by:Gabriel Fernandez/Gian Bernardino/Raphaell Ridao/Clint Fernandez/Vixen Gareza/Raphael Severino

Composed by:Gabriel Fernandez/Gian Bernardino/Raphaell Ridao/Clint Fernandez/Vixen Gareza/Raphael Severino

Arranged by:Gian Bernardino/Raphaell Ridao/Gabriel Fernandez/Shadiel Chan

Produced by:Cup of Joe

Unti-unti nang napapagod

Sa aking puso'y humahagod

Sa paghintay hanggang sa dulo

Ako'y nalulunod

Hindi inaasahang oras

Huminto na ang paglipas

Sa lugar na walang alaala

Nabigyan ng halaga

Ika'y aking nakita 'kala ko namalikmata

Sa wakas nahanap ko'ng hinahangad ng aking puso

Ito na ang segundo 'di ko na palilipasin

Pilit na hahabulin

Wala nang hininga ako'y nanghihina

Pero 'di alintana

Oh kahit ako'y matapilok tuloy pa rin ang pagtibok

Ng puso kong sinisigaw pangalan mo

Huminto na at 'wag lalayo oh oh oh

Malapit nang mapatingin ika'y mapapasa'kin din

Tulak ng bibig kabig ng dibdib

Ikaw ang tanging nasa isip

Sa panaginip na malabo

Hindi na hihinto

Ika'y muling nakita at ngayon alam ko na

Ikaw ang laman alam at aalamin ng aking puso

Pawala na ang segundo isip ay gulong-gulo

Tuloy ang pagtakbo

Wala nang hininga ako'y ako'y nanghihina

Pero 'di alintana

Oh kahit ako'y matapilok tuloy pa rin ang pagtibok

Ng puso kong sinisigaw pangalan mo

Huminto na at 'wag lalayo oh oh oh

Malapit nang mapatingin ika'y mapapasa'kin din

Wala nang hininga ako'y nanghihina

Pero 'di alintana

Oh kahit ako'y matapilok tuloy pa rin ang pagtibok

Ng puso kong sinisigaw pangalan mo

Huminto na at 'wag lalayo oh oh oh

Malapit nang mapatingin ika'y mapapasa'kin na

Ako'y nanghihina

Pero 'di alintana

Oh kahit ako'y matapilok tuloy pa rin ang pagtibok

Ng puso kong sinisigaw pangalan mo

Huminto na at 'wag lalayo oh oh oh

 

Malapit nang mapatingin ika'y mapapasa'kin din