Tunay Na Pag-Ibig 歌詞
Tunay Na Pag-Ibig - Eurika
Written by:Manny Ruta
Ang buhay ay isang hiwaga
Na bigay sa atin ng Maykapal
Pag ibig ng bawat nilalang
Sa kapwa tao ay gawang banal
Buhay natin ay maigsi
Ang lakas ay sandali
Tanging Diyos lamang ang walang hanggan
Buhay natin ay tahimik
Kung puno ng pag ibig
'Yan ang tunay na yaman sa daigdig
Hirap man ay ating harapin
Kung ang bukas nito ay ligaya
Tunay na pag ibig sa kapwa
Sa buhay natin ay mahalaga
Buhay natin ay maigsi
Ang lakas ay sandali
Tanging Diyos lamang ang walang hanggan
Buhay natin ay tahimik
Kung puno ng pag ibig
'Yan ang tunay na yaman sa daigdig