Piso Mula Sa Puso 歌詞
Piso Mula Sa Puso - Siakol/Manuel Palomo
Pag ibig ba ang tawag sa iyong ginagawa
Hanggang gamitin ang mahirap para lang makilala
At sa twing tutulong ka kailangan ba ang ma dyaryo
At makita ka sa tv o marinig pa sa radyo
Hindi nga masama ngunit ito'y panunumbat
Na sa puso ng marami ay lubhang sumusugat
Ba't di mo lingonin kung saan ka nga ba nagmula
Isusubo na lang nila
Inaagaw mo pa
Mayaman ka na nga lalo ka pang nagpapayaman
Sila pang mga mahihirap ang iyong tinatapakan
Ang kapangyarihan mo'y ginagamit sa di tama
Di ka ba nahahabag sa itsurang kaawa awa
At kapag napansin ka umaalma ka kaagad
Daig mo pa ang eroplano sa tayog ng yong paglipad
Ang iyong kahangalan tigiltigilan mo na pare
At sa impyerno'y malakilaki pa ang nakabakante
Piso mula sa puso at hindi sa kasikatan
At hindi nanggaling sa mga nagawang kasamaan
Kayamanan mo'y di madadala sa kamatayan
Gawing makabuluhan ng makahaon ang taong bayan
Hoy
Nakikinig ka ba
O nag bibingi bingihan ka
Hoy
Nakakatulog ka paba
Bangungutin ka sana
Masdan mo ang sinapit ng ating kapaligiran
Nasisira ng sistema mo ang ating kalikasan
Ngayon nadamay ang mga walang malay na tao
Madumi any iyong isipan na parang nakakaloko
Maliban sa mapapansin na muli ang iyong pangalan
Hindi kaba nagsasawa sa pag gawa ng kamalian
Bumango man ang pangalan mo
Mahirap tanggapin
Sa aming paningin tang ina mabaho ka parin
Piso mula sa puso at hindi sa kasikatan
At hindi nanggaling sa mga nagawang kasamaan
Kayamanan mo'y di madadala sa kamatayan
Gawing makabuluhan ng makahaon ang taong bayan