Lirik Maligayang Pagkunwari
Maligayang Pagkunwari - Mrld
Lyrics by:Meriel T. De Jesus
Composed by:Meriel T. De Jesus
Mahal kita 'wag kang magbago
Sabihin ang lahat
'Wag kang magtago
Nang kahit pa ano-anong sikreto
Mahal kita pangakong
'Di ako mabibigla
Pero pa'no kung hindi
Ko kayang ilahad
Ang mga salitang nararamdaman
Oh ganito na lang ba
Sa simpleng ayos lang
Na lang ba tatapusin
Ang lahat ng salitang
Gustong sabihin
Magpapalunod na lang
Ba sa mga lihim
Oh maligayang pagkunwari
Takot lang sa
Isipan na magbago
Ang ihip ng
Hangin na nandirito
Hindi alam at 'di pa sigurado
Kung pa'no ba at kung
Saan sisimulan
Pagod na sa
Pagtago ng nilalaman
Pero sige lang 'di kita sasaktan
Oh ganito na lang ba
Sa simpleng ayos lang na
Lang ba tatapusin
Ang lahat ng salitang
Gustong sabihin
Magpapalunod na lang
Ba sa mga lihim
Oh maligayang pagkunwari
Maayos pa ba
O pagkatapos ng
Lahat baka magbago
Ang pagtingin siguro
Lalo pang lumabo
Kaya naman takpan ng pagngiti
Oh maligayang pagkunwari
Paano kung magbago
Paano kung magbago
Paano kung magbago
Mahal kita 'wag kang magbago