Lirik Ahon

Ahon - December Avenue/Morissette

Lyrics by:Ronzel Bautista

Composed by:Ronzel Bautista

Wala na bang maramdaman?

Binibigkas ng 'yong matang walang tinitignan

Kung pwede lamang balikan

Paulit-ulit kong pagbibigyan ang aking

Pusong 'di makahinga sa lalim ng luha't kaba

Hindi ko pilit na naising makapiling ka

Sa bawat pintig ng dibdib ay may tanong

Kung tayong muli ay magkikita sa kanlungan ng kawalan

Asahang hindi ako lilisan kung bumuhos man ang ulan

Handa na ang puso kong malunod na sa piling mo

Muli ring aahon at magbabalik sa'yo

Mm

Hindi na matatakot

Wala na bang maramdaman?

Pumipiglas sa lilim ng aking mundo

Kung pwede lamang balikan

Maubos man ang pangako

Muling pagbibigyan

Hindi mapipigilan ang pag-ibig ko

Dahil minsan nang naging hadlang itong nakaraan

Ako ang dahilan

Hindi ko na lubos maisip na mawalay pa

Sa'yong daigdig ang tahanan ko ngayon

Kung tayong muli ay magkikita sa kanlungan ng kawalan

Asahang hindi ako lilisan kung bumuhos man ang ulan

Handa na ang puso kong malunod na sa piling mo

Muli ring aahon at magbabalik sa'yo

Kung langit man ay magsara

At kung bumuhos man hindi ko pipigilan ang bagyo

Kung tayong muli ay magkikita sa kanlungan ng kawalan

Asahang hindi ako lilisan kung bumuhos man ang ulan

Handa na ang puso kong malunod na sa piling mo

Muli ring aahon at magbabalik sa'yo

Muli ay magkikita sa kanlungan ng kawalan

Asahang hindi ako lilisan kung bumuhos man ang ulan

Handa na ang puso kong malunod na sa piling mo

Muli ring aahon

Muli ring aahon

 

Muli ring aahon at magbabalik sa'yo