Lirik Bata, Bata Ano Ang Pangarap Mo?
Bata, Bata Ano Ang Pangarap Mo? - Sarah Geronimo
Written by:Fr. Ben Beltran/SVD/Nez Marcelo
Brasong payat ang unan
Banig mo ay karton
Nanginginig ka sa ginaw sa higaang kariton
Damit mo na gusgusin hindi na nalabhan
Kahapon pa kumain ng mula sa basurahan
Mga batang lansangan sa gubat na aspalto
Kasama ng barkada istambay sa kanto
Ang iba'y nagtitinda ng sampagita't sigarilyo
O namimili naman ng mga bote at dyaryo
Bata bata ano ang pangarap mo
Paglaki mo kaya ika'y maging ano
Kung nag aaral sana musmos na katulad mo
Sisibol ang pag asa ng kabataang Pilipino
Sa likod ng mga pipi bulag at bingi
Walang pumapansin sa tahimik mong hikbi
Pag asa ka ng bayan
Tadhana'y malagim
Hinigop ng buhawi
Nilamon ng dilim
Ooooohhh
Bata bata ano ang pangarap mo
Paglaki mo kaya ika'y maging ano
Kung nag aaral sana musmos na katulad mo
Sisibol ang pag asa ng kabataang Pilipino
Bata bata ano ang pangarap mo
Paglaki mo kaya ika'y maging ano
Kung nag aaral sana musmos na katulad mo
Sisibol ang pag asa ng kabataang Pilipino
Nasadlak ka man ngayon sa hirap at dalita
Pukawin ang pag asa maabot ang adhika
Kahit nagigipit sa Diyos lang ang kapit
Ang magandang bukas sa wakas ay makakamit