Dengarkan Huling Gabi (From "I'm Drunk, I Love you") lagu dari Maja Salvador dengan lirik

Huling Gabi (From "I'm Drunk, I Love you")

Maja Salvador17 Mar 2017

Lirik Huling Gabi (From "I'm Drunk, I Love you")

Huling Gabi - Maja Salvador

Written by:Juan Miguel Severo

 

Pangarap ko ang makalayo

 

Sa pangarap ko na dinulot mo

 

Ang matulog sa gabi nang 'di alintana ang ginaw

 

At 'di humihiling na ang kapiling ay ikaw

 

Ikaw na rin ang minsang nagbanggit

 

Sa mga katapusang hindi mo maipipilit

 

Kung kinabukasa'y matutunan kong umiwas

 

Matitiyak ko ba na mabigyan ako ng lunas

 

Sa mga sakit na dulot ng

 

Iyong 'di paglingon

 

Iyong 'di pagtanaw

 

Iyong 'di pagtugon

Kung minsan pa'y

 

Iaalay sa'yo itong gabi

At ipinapangako kong

Ito na ang huli

 

Hindi na maghahangad

 

Ng 'di mo maibabalik

 

Isang unos ang muling susuungin

 

Isang kasinungalingan ang yayakapin

Mamamatay ang ilang kapalit ng

Isang pagkakaibigan

 

Masisisi mo ba kung ito ang kinakailangan

 

Ng mga sakit na dulot ng

 

Iyong 'di paglingon

 

Iyong 'di pagtanaw

 

Iyong 'di pagtugon

Kung minsan pa'y

Iaalay sa'yo itong gabi

At ipapanalangin kong

Ito na ang huli

 

Hindi na maghahangad

 

Ng 'di mo maibabalik

 

Sa mga sakit na dulot ng

 

Iyong 'di paglingon

Iyong 'di pagtanaw

 

Iyong 'di pagtugon

Kung minsan pa'y

Iaalay sa'yo itong gabi

At ipinapangako kong

Ito na ang huli

 

'Di na magpapatinag sa iyong mga pagtawag

At itatanggi sa sarili na

Ikaw pa ang hangad

 

 

Minsan pa'y iaalay sa'yo itong gabi

.