Walang Kapalit 歌詞
Walang Kapalit - Sharon Cuneta
Written by:Sharon Cuneta
'Wag magtaka kung ako ay 'di na naghihintay
Sa anumang kapalit ng inalay kong pag ibig
Kulang man ang 'yong pagtingin
Ang lahat sa 'yo'y ibibigay kahit 'di mo man pinapansin
Huwag mangamba hindi kita paghahanapan pa
Ng anumang kapalit ng inalay kong pag ibig
Sadyang ganito ang nagmamahal
'Di ka dapat mabahala hinanakit sa 'ki'y walang wala
At kung hindi man dumating sa 'kin ang panahon
Na ako ay mahalin mo rin
Asahan mong 'di ako magdaramdam
Kahit ako ay nasasaktan
Huwag mo lang ipagkait
Na ikaw ay aking mahalin