收聽Gloc 9的Lando歌詞歌曲

Lando

Gloc 9, Chito Miranda2007年3月16日

Lando 歌詞

Lando (國家) - Gloc 9/Chito Miranda

Composed by:Chito Miranda/Aries Pollisco

Arranged by:Paulo Sarate

'Wag kang mabahala

May nagbabantay sa dilim

 

Nag-aabang sa sulok

At may hawak na patalim

 

'Di ka hahayaan na

Muli pang masaktan

 

'Wag ka nang matakot sa dilim

 

Ito ay kuwentong hango

Nanggaling sa dalawang taong

Nagmamahalan nang tunay

Ang ngala'y Elsa at Lando

At kahit parang

Pagkakataon ay nakakandado

Dahil magkalayo ang uri

Ng buhay ang estado

Ng buhay ni Lando ay

'Di nalalayo sa marami

Sinunog ng araw ang kulay ng balat

At marami nang galon ng pawis

Ang kanyang naidilig sa lupa

Upang ang gutom ay 'di

Na masuklian pa ng luha

Habang ang babaeng kanyang

Minamahal ay sagana

Ngunit kabilang sa pamilya

Na 'di alintanang

Makipagkapuwa-tao sa mga

Tulad n'yang dukha

Gayon pa ma'y patuloy ang

Pagmamahal na pinunla ng pag-ibig

'Wag kang mabahala

May nagbabantay sa dilim

 

Nag-aabang sa sulok

At may hawak na patalim

 

'Di ka hahayaan na

Muli pang masaktan

 

'Wag ka nang matakot sa dilim

 

Kahit na ano mang bagay

Ang pilit na ihadlang

Sino man ay walang

Makapipigil sa paghakbang

Ng mga paa na ang nais

Ay marating ang ligaya

Niyayang magtanan

'Di nag-atubili na sumama

Hawak ang pangarap

At pangako sa isa't isa

Nagpakalayo-layo

'Di namuhay na may kaba

Dahil alam nila na sa

Bawat isa'y nakalaan

At ang pagmamahalan

Tangi nilang sinasandalan

Wala nang ibang bagay

Pa silang mahihiling

Kundi isang pamilya

Sa loob ng apat na dingding

At isang bubong na

Maaaring tawaging tahanan

Bakit may pangit na

Kabanatang kailangang daanan pa

'Wag kang mabahala

May nagbabantay sa dilim

 

Nag-aabang sa sulok

At may hawak na patalim

 

'Di ka hahayaan na

Muli pang masaktan

 

'Wag ka nang matakot sa dilim

 

Isang gabi ng Huwebes

Lumubog na ang araw

Doon tayo magkita

Pasalubong ko'y siopao

Upang ating paghatian

Pagdating ng hapunan

Mayro'n palang nakaabang

Sa 'min na kamalasan

Eskinita sa Ermita

May sumaksak kay Elsa

Sa tagiliran isang

Makalawang na lanseta

Ang gamit upang makuha

Lang ang kanyang pitaka

Kami'y mahirap lamang

Bakit 'di na s'ya naawa

Hindi ko naabutang buhay

Ang aking mahal

At hanggang sa huling

Hantungan ay nagdarasal

Bakit po Bakit po

Ang laging lumalabas

Sa 'king bibig palaboy

Laboy ni walang landas

Akong sinusunod baliw

Sa mata ng marami

Siguro nga 'di ko na

Kilala ang aking sarili

Pangala'y taong grasa

May patalim na gamit

At ang tanging alam

Ay isang malungkot

Na awit at ang sabi

'Wag kang mabahala

May nagbabantay sa dilim

 

Nag-aabang sa sulok

At may hawak na patalim

 

'Di ka hahayaan na

Muli pang masaktan

 

'Wag ka nang matakot

 

Sa dilim