收聽Gloc 9的Magda歌詞歌曲

Magda

Gloc 9, Rico Blanco2016年11月11日

Magda 歌詞

Magda - Gloc-9

 

Written by:Aristotle C Pollisco

 

Magdalena ano'ng problema

Bakit 'di ka makawala sa kadena

At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda

Na hanap buhay mo ngayon

Magdalena ano'ng problema

Alam naman natin na dati kang nena

At sa iyong ama ikaw ay prinsesa

Ano'ng nangyari sa'yo

Ito'y kwento ng isang babaeng

Tulog sa umaga gising sa gabi

 

Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete

Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi

 

Simulan na natin ang istorya

Ako'y kanyang matalik na kaibigan

Ernesto ang aking pangalan

Kwentong dapat 'nyong malaman

'Wag nang magbulag bulagan

Bakit ang nais natin ay malaman ang baho ng iba

Pagbibigyan kita

Kilala mo ba si Magda

Na aking kababata mula pa ng pagkabata

Kami lagi magkasama mga bangkang papel sa sapa

Kanyang ngiti lumiliwanag ang paligid

At pag siya'y dumadaan mga leeg ay pumipilipit

Ubod ng ganda noong siya ay nagdalaga

Tuwing kausap ko na malimit akong tulala

Kahit may nararamdaman pinilit kong isara

Ang bibig at pintig ng puso para sa kanya

At sa sayawan matapos kaming makapagtapos

Dahil pinawis ang mukha ako'y nagpunas ng pulbos

Kahit parang hindi pantay ay nagmamadaling hinila

Pinakilala niya lalaki na taga Maynila

 

Magdalena ano'ng problema

Bakit 'di ka makawala sa kadena

At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda

Na hanap buhay mo ngayon

Magdalena ano'ng problema

Alam naman natin na dati kang nena

At sa iyong ama ikaw ay prinsesa

Ano'ng nangyari sa'yo

Maraming taon ako'y nalipasan

Pinilti ko mang takasan

Bagkus ay aking nalaman

Ang tunay kong kailangan

'Di ko maibaling ang pagtingin ko sa iba

Minamahal ko s'ya

Hahanapin ko si Magda

Lumuwas habang nagdarasal na maabutan

Sa lugar na ang sabi'y kanyang pinagtatrabahuhan

 

Nakita ko'ng larawan niya na nakadikit sa pintuan

Iba man ang kulay ng buhok 'di ko malilimutan

Ang kanyang mata at tamis ng kanyang ngiti

At dahil ubod ng saya hindi na nag atubili

Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim

Madaming lamesa't mga nagiinumang lasing

Nang biglang nagpalakpakan may mabagal na kanta

Sa maliit na entablado ay nakita ko na

Ako ay nagtaka nagtanung nagkamot

Bakit s'ya sumasayaw na sapatos lang ang suot

Ito'y kwento ng isang babaeng

 

Tulog sa umaga gising sa gabi

 

Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete

Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi

Ituloy natin ang istorya

Agad siyang sumama sa'kin walang kakabakaba

Ang trato niya sa'kin ay nobyo tila katakataka

Bumaba sa taxing pinara sa Sta Mesa

Parang ako'y bida sa mga sumunod na eksena

Kung ito ay panaginip ayoko nang magising

Ngunit ako'y nanaginip umaga na nang magising

Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag

Liham para sa'kin na isinulat niya magdamag

Kahit gulong gulo ang isip pinilit kong basahin

'Di malilimutan ang mga sinabi niya sa akin

Mahal kong Ernesto alam kong tulog mo'y malalim

'Di na 'ko nagpaalam 'di na kita ginising

Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay

At sa pinakamasayang gabi ng aking buhay

Nung iniwan ko ang baryo natin ang akala ko

Isang tunay na pagibig ang matatagpuan ko

Hinanap kung saansaan at kung kanikanino

'Di ko inakalang ito ang kahahantungan ko

Imbis na ako'y sagipin itinulak sa bangin

Ito pala'ng ibig sabihin ng kapit sa patalim

Kung mabaho sabunin kung makati gamutin

Kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin

Kahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeng

Alam ang amoy ng laway ng iba'tibang lalake

Isa lang ang kaya kong sayo'y maipagmalaki

Ikaw lang ang bukod tanging hinalikan ko sa labi

Gusto ko mang manatili sa'yong mga yakap

Ako may natutuwa dahil ako'y iyong nahanap

Wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat

At ang katulad ko sa'yo ay 'di karapatdapat

 

Pinangarap kong sa altar ako'y iyong ihatid

Ngunit sa dami ng pait ang puso ko'y namanhid

'Di ko makakalimutan ang pabaon mong halik

Pero pakiusap huwag ka na sana pang babalik

Regalo ng Maykapal ang ikaw ay makilala

Salamat sa alaala nagmamahal Magda

Magdalena ano'ng problema

Bakit 'di ka makawala sa kadena

At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda

Na hanap buhay mo ngayon

 

Magdalena ano'ng problema

Alam naman natin na dati kang nena

At sa iyong ama ikaw ay prinsesa

Ano'ng nangyari sa'yo

 

 

Ito'y kwento ng isang babae