收聽Dello的Minsan (feat. Ashley Gosiengfiao)歌詞歌曲

Minsan (feat. Ashley Gosiengfiao)

Dello, Ashley Gosiengfiao2014年12月1日

Minsan (feat. Ashley Gosiengfiao) 歌詞

Minsan (feat. Ashley Gosiengfiao) (有時) - Dello/Ashley Gosiengfiao

Lyrics by:Wendell Gatmaitan

Composed by:Wendell Gatmaitan

Minsan may isang ikaw

Sa buhay ko ay lumitaw

Pero ngayong nilisan mo

Akoy tila naliligaw

At di alam kung saan ang dapat puntahan

Na kung saan ang pagibig kinakailangan pustahan

Na kahit na anung tamis sa simula at unahan

Ay maaaring pumait kapag merong kakulangan

May pagkukulang ba ako o hindi natumbasan

Kaya naisip mo na dapat na akong malagpasan

Pero kung ano paman tumatakbo sa isipan

Sana maalala mo pa rin ako kahit minsan

Minsan ay nalilito

Di alam kung san tutungo

Pagnaiisip kita

Luha ko ay kusang tutulo

May pagasa pa kaya

Maalala mo ako

Kahit minsan lang

Kahit minsan lang

Minsan kitang nakilala minsan mo kong napansin

Ang tamis ng sandal ay minsan natin naangkin

Minsan tayo nabusog sa suyuan mga lambing

Habang hawak ko ang kamay mo

Tayo ay magkatabi

Nangagarap na balang araw

Ako din at ikaw

Ikaw ang naging gabay noong ako ay naligaw

Sa inaakalang dapat ay mali ang lumitaw

Mahigpit ang iyong yakap at hindi ka bumitaw

Dahilan para masabi sa sarili ko na tama

Na wag ko nang hugutin ang tumama saking pana

Ni kupido sa tulad mo nagningning na tala

Pero bakit ngayon akoy humihiling na sana

Bumalik ang dating tayo tulad nung nakaraan

Nasa iisang landas pero ngayon ay nasaan

Kahit ikaw pa mismo ang umiba satin nagdaan

Minamahal pa rin kita at yan ang laging tandaan

Minsan ay nalilito

Di alam kung san tutungo

Pagnaiisip kita

Luha ko ay kusang tutulu

May pagasa pa kaya

Maalala mo ako

Kahit minsan lang

Kahit minsan lang

Wala ka na ngayon tuluyan ng natuldukan

Ang pinagsamahan na limang taon walong buwan

Gusto kuh man itanung kung merun pa akong puwang

Para ang nakaraan ay muli na madugtungan

Pero mukhang malabo hanggang dito na lang

Kung kaya nakayuko at palagi tulala

Nakatingin lang sa sahig

Bakit hindi magawang

Makangiti khit saglit kapag hindi ikaw ang

Kasama katabi at sa gabi

At sa paggising ko sa kama

Bat kase ikay wala sa piling ko

Gusto kong sabihin to akoy laging naririto

Nakaabang parin mulung buksan mo

Ang iyong pinto

Nagbabakasakali na kahit na minsan pang muli

May isang ikaw na sasalubung saking paguwi

Hinhiling na sana ay ganun lang sakin kadali

Namakasama kahit minsan pa kahit sandali

Pero

Bakit pa ipipilit kung ayaw talaga

Hindi na babalik ang minsang nawala

Ayokong mawala pinagsamahan wag itapon

At mula sa pagkakamali handa akong bumagon

Pero kahit na anong pilit ko pang iahon

Ang nakaraan natin mananatili sa kahapon

Minsan ay nalilito

Di alam kung san tutungo

Pagnaiisip kita

Luha ko ay kusang tutulo

May pagasa pa kaya

Maalala mo ako

Kahit minsan lang

Kahit minsan lang

Bakit minsan di alam kung saan ang dapat puntahan

Na kung saan ang pagibig kinakailangang pustahan

Na kahit na anong tamis sa simula at unahan

Ay maaring pumait kapag merong kakulangan

May pagkukulang ba ako o hindi natumbasan

Kaya naisip mo na dapat na akong malagpasan

Pero kung anu pa man tumatakbo sa isipan

 

Sana maalala mo pa rin ako kahit minsan