Huwag Mong Sabihin 歌詞
Huwag Mong Sabihin - Noel Cabangon (諾埃爾·卡邦貢)
Written by:Noel Cabangon/Pete Lacaba
Wag mong sabihin
Na itong puso ko'y mapanlinlang
At di lang minsan
Nagtaksil
Kahit na tayo'y
Malayo na sa isa't isa
Ikaw pa rin ang sinisinta
Wala ng iba
Kung ako man ay naligaw ng landas
Ikaw pa rin ang lagi kong babalikan
Ang maghuhugas
Sa putik ng pagkakasala ko'y
Ang batis ng pag ibig diyan sa puso mo
Hindi ko maikakaila
Na ang aking laman
Ay marupok mahina
Subalit ako sana'y paniwalaan
Ikaw pa rin ang tunay kong mahal
Ikaw ang tunay kong mahal
Hmmmm
Ang aking buhay
Ay wala nang galak
Kung hindi kapiling ang
Minamahal
Walang halimuyak
Ang hardin ng rosas kung wala ka na
Patawad mo ay ibigay mo na
Sinta
Kung ako man ay naligaw ng landas
Ikaw pa rin ang lagi kong babalikan
Ang maghuhugas
Sa putik ng pagkakasala ko'y
Ang batis ng pag ibig diyan sa puso mo
Hindi ko maikakaila
Na ang aking laman
Ay marupok mahina
Subalit ako sana'y paniwalaan
Ikaw pa rin ang tunay kong mahal
Ikaw ang tunay kong mahal
Whoooo
Hindi ko maikakaila
Na ang aking laman
Ay marupok mahina
Subalit ako sana'y paniwalaan
Ikaw pa rin ang tunay kong mahal
Hindi ko maikakaila
Na ang aking laman
Ay marupok mahina
Subalit ako sana'y paniwalaan
Ikaw pa rin ang tunay kong mahal
Ikaw ang tunay kong mahal
Whoooo
Ikaw ang tunay kong mahal
Hmmm