收聽Gloc 9的Bintana歌詞歌曲

Bintana

Gloc 92019年11月29日

Bintana 歌詞

Bintana - Gloc 9

Lyrics by:Aristotle Pollisco

Composed by:Aristotle Pollisco

Pagmulat ng aking mata

Isang maaraw na umaga

 

Bumangon sa aking kama

 

Diretso na sa kubeta

Maliligo maghihilod

Mga libag sa'king likod

Magmumumog pagkasipilyo

Handa na po ang inyong lingkod

Pagkatapos magsuklay

Suot ang bago kong damit

Nakahanda 'kong mamatay

Habang ako'y papalapit

Sa isang dilag at ang sabi ko sa kanya

 

Itaas ang mga kamay holdap 'to

Ilabas lahat ng pera sa bangko niyo

Hindi ko naman talaga balak na gawin ito

Para bang ako'y tinulak lamang sa gawi na'to

Ang gusto ko lamang naman ay tahimik na buhay

Kasama ang pamilya ko bawat araw makulay

Pang empacho sa kahirapan sadyang nakakaumay

Kahit na ang maamong tupa'y tutubuan ng sungay

Kay pastor napilitang mamasukan si misis

Araw-araw na kinukuwento kung gaano kamanyakis

Kahit 'di pa niya sabihin kung hanggang saan ang labis

Magtiis sa amo na makaraos lamang ang nais

Isang araw ang aming anak walang tigil sa pag-iyak

Kung bakit ang mga doktor ay hindi makatiyak

Anong tunay na galak bakit napakailap

Para sa mga mahal puso ko'y nabibiyak

Pumasok ako dati kay mayor bilang alalay

Utusan sa kahit saan at ano mang bagay

Kumatok sa pinto ng kanyang malaking bahay

Upang humingi ng tulong para sa aking panganay

Tinaboy kinutya ako'y hinamak ng hinamak

Madumi na daw ang sahig kung sa'n ako tumapak

Ang mundo pala'y makipot akala ko'y malawak

Binitiwan ang pag-asa na matagal ko nang hawak

Tinawagan ang kumpare para humiram ng bakal

Papasok sa pinto naglalakad ng mabagal

Labag man sa kalooban hindi ko naman asal

Ayoko nang basahin ang nakasulat na bawal

Pinuno ng salapi ang dala-dala kong bag

Tumakbo ng tumakbo palayo at lumundag

Sa isang bangin na madilim para kang bulag

Nagpalipas ng gabi hanggang sa magdamag

Kinabukasan nilagay ang pera sa kahon

Na kahoy kinandado malalim kong binaon

Nagpaalam sa mag-anak ko na tanong ng tanong

Meron na tayong sagot kahit ako'y makulong

Gagaling ka na anak magpalakas ng katawan

Mag-aral kayong mabuti 'yan ang laging tandaan

Ako'y sumuko sa pulis agad akong kinapkapan

 

Nung walang nakatingin tsaka ako nanlaban