Pulubi 歌詞
Pulubi - Freddie Aguilar
Lyrics by:Freddie Aguilar
Composed by:Freddie Aguilar
Ang suot niya ay lumang luma
At ang kanyang mga mata'y malamlam
Banaag mo sa kanyang mukha ang kahirapan
Maghapon siya sa mga daan
Nanghihingi ng kaunting tulong
At madalas n'yo siyang hamakin at libakin
Siya ay pulubi hinahamak ninyo
Siya ay pulubi tao ring katulad niyo
At pagsapit ng dilim
Wala man lang siyang matuluyan
Sa lamig ng paligid walang makublihan
Kailan niyo siya kaaawaan
Kailan niyo siya mauunawaan
'Pag ang lahat ay huli na siya'y lilimusan
Siya ay pulubi hinahamak ninyo
Siya ay pulubi tao ring katulad niyo
Siya ay pulubi hinahamak ninyo
Siya ay pulubi tao ring katulad niyo
相關歌曲
熱門歌曲