Natutulog Ba Ang Diyos 歌詞
Natutulog Ba Ang Diyos - Gary Valenciano
Bakit kaya Bakit ka ba naghihintay
Na himukin pa pilitin ka ng tadhana
Alam mo na kung bakit nagkakagan'yan
Lumulutang nasasayang ang buhay mo
At ang ibinubulong ng iyong puso
Natutulog ba ang Diyos Natutulog ba
Ba't ikaw ay kaagad sumusuko
Konting hirap at munting pagsubok lamang
Bakit gan'yan Nasaan ang iyong tapang
Naduduwag nawawalan ng pag-asa
At iniisip na natutulog ba
Natutulog ba ang Diyos Natutulog ba
Sikapin mo pilitin mo tibayan ang iyong puso
Tanging ikaw ang huhubog sa iyong bukas
Huwag mo sanang akalain natutulog ba ang Diyos
Ang buhay mo ay mayro'ng halaga sa kanya
Dapat nga ba na ikaw ay maghintay
At himukin pa pilitin ka ng tadhana
Gawin mo na kung ano ang nararapat
Magsikap ka at magtiwala sa Maykapal
Nakahanda ang Diyos umalalay sa 'yo
Hinihintay ka lang kaibigan
Sikapin mo pilitin mo tibayan ang iyong puso
Tanging ikaw ang huhubog sa iyong bukas
Huwag mo sanang akalain natutulog ba ang Diyos
Ang buhay mo ay mayro'ng halaga sa kanya