收聽Gloc 9的Basta't Kasama Ka (Theme from "Yagit")歌詞歌曲

Basta't Kasama Ka (Theme from "Yagit")

Gloc 9, Lirah Bermudez2014年11月16日

Basta't Kasama Ka (Theme from "Yagit") 歌詞

Basta't Kasama Ka (Theme from "Yagit") - Gloc 9/Lirah Bermudez

Written by:Gloc 9

Palaboy laboy sa lansangan

Kami'y walang matutuluyan

Ang buhat ay tila bumibigat pa

Makakaya ko ba

Palakad lakad sa lansanagan

Tila walang patutunguhan

Ang bukas ay may maihahatid pa

Basta't kasama ka

Tulak tulak kariton

Pataas sa riles

Pilit na nag iipon

Pambili ng dilis

Damputin mo sa kahon

Retaso na pambihis

Isang baldeng tubig sabon basahan

At panlinis ng kotse

Punasan ang dungis na pinahid

Ng buhay sa pagkatao

Higpitan mo ang kapit

Huwag na huwag kang bibitaw

Huwag kang magagalit

Dahil pagmamahal lang

Ang dapat ginagamit

Palaboy laboy sa lansangan

Kami'y walang matutuluyan

Ang buhat ay tila bumibigat pa

Makakaya ko ba

Palakad lakad sa lansanagan

Tila walang patutunguhan

Ang bukas ay may maihahatid pa

Basta't kasama ka

Tulak tulak kariton

Pataas sa riles

Pilit na nag iipon

Pambili ng dilis

Damputin mo sa kahon

Retaso na pambihis

Isang baldeng tubig sabon basahan

At panlinis sa sahig

Sakit

Pait na dinanas

Lupit parang damit

Na ginupit ng matalas

Damputin ang butil

Kahit di magkaparehas

Kahit batang yagit

Ay may karapatan sa bukas

 

Simula pa nang ako

Ay magkamuwang

Hinahawi na lahat ng nakahadlang

Dito sa mundo

Pwede bang magkapuwang

Kahit sa'kin ay

Pilit kong iniinda

Lahat ng kahirapan

Lahat ng pighati

Basta't magkasama tayo ay di hati hati

Handa kong tiisin ng

Walang atubili

Masilayan ko lamang

Ang matamis mong ngiti

Sabi nila ang buhay

Ay sadyang mapag biro

Minsay nakakasugat

Galos na dumudugo

Kahit ano pang hamon

Hindi ako yuyuko

Ikaw ang kalakasan

At aking taga buo

Palaboy laboy sa lansangan

Kami'y walang matutuluyan

Ang buhat ay tila bumibigat pa

Makakaya ko ba

Palakad lakad sa lansangan

Tila walang patutunguhan

Ang bukas ay may maihahatid pa

Basta't kasama ka

Palaboy laboy sa lansangan

Kami'y walang matutuluyan

Ang buhat ay tila bumibigat pa

Makakaya ko ba

Palakad lakad sa lansangan

Tila walang patutunguhan

Ang bukas ay may maihahatid pa

Basta't kasama ka

 

Basta't kasama ka

 

 

Basta't kasama ka