收聽Ron Henley的Platito歌詞歌曲

Platito

Ron Henley2013年4月8日

Platito 歌詞

Platito - Ron Henley

Written by:Ron Henley

Mga mahiyaing nilalang sa higanteng mga bulak

Nandyan lang sa paligid ayaw pang manga usap

Mga imahe payat ngunit ang laki ng utak

Nag iwan ng markang palaisipan na sulat

Ako ay nagmasid mula hilaga hanggang timog

Sa isang iglap sila'y nakatawid

Ang araw at buwan nagkapikunan

Kaya may nagliliparang mga plato't platito

Sa himpapawid

Sino bang bisita ang 'di mag nanais dumalaw

Sa bahay kung san basang basa ng pawis

Ng araw may mga nakakita't nagkakuliti na sila

Mga mata nila'y dilat ngunit pikit pa yung isa

Sa likod ng mga bituin rinig ko ang bulungan

Mistulang mga bubuyog tayo ang pulo pukyutan

Madaming takdang pananong ang natutubuan

At pano nga kung sila ang may dala ng kasagutan

Mga sina unang

Batong magkakapatong

Minsan nang nilamon ng dambuhalang alon

At sinakal ng usok na sadyang nakakalason

Misteryo pa rin kung anong nangyari nung kahapon

 

Sumamba sa mga puno

Hayop at anito nawala

Ang panghimagas na hinain ng platito

Pambihirang kaalama'y tuluyang nalunok

Biglang usbungan ang mga gusaling hugis tatsulok

Pano kung ang buhay sa mundo ay ang konsepto

At tayong mga naninirahan ang proyekto

Tayo nga ba ay nilagay para pag aralan

O para ihanda lang sa hinaharap na laban

Sa pagitan ng mabuti't kabaligtaran nito

Alam ko na sa iba isang kahibahangan ito

Maaaring lamang sila sa kagamitan

Gamit ang kanilang natatanging agham

Marahil tingin nila sa atin langgam

Paugain lang ang sahig kaya tayong saktan

Pero wala silang alam sa bagay na meron tayo

Ang pinaka mahiwaga sa mundo ng mga tao

Ang pag ibig ang pag ibig

Ang pag ibig ang pag ibig

 

Ang pag ibig ang pag ibig

Ang pag ibig ang pag ibig

 

Ang pinaka mahiwaga sa mundo ng mga tao

Ang pag ibig ang pag ibig

Ang pag ibig ang pag ibig

Ang pag ibig

 

Ang pinaka mahiwaga sa mundo ng mga tao

Ang pag ibig ang pag ibig

Ang pag ibig ang pag ibig

Ang pag ibig ang pag ibig

Ang pag ibig ang pag ibig

Ang pag ibig ang pag ibig

 

Ang pag ibig