Pinagpala (feat. Mark Fiasco and Young Homee) 歌詞
Pinagpala - Curse One/Mark Fiasco/Young Homee
Written by:Mark Anthony Rosal/Marlon Lee Hagamann/Christian Earl Valenzuela
May kislap na parang bituin sa puso ko
Matamis na panaginip tila nagkatotoo
Sayong pagdating sa buhay ko anong sigla
Pakiramdam ko ay masaya
Sa yakap mo'y napapayapa ang isip ko
Tunay ka ngang biyaya kaya ako'y mapalad dahil
Nasakin ang magandang binibini sa loob man o labas
Walang kawangis ang katangian
Walang makakatumbas sa pag-ibig na wagas
Ako ay parang nasa alapaap
Oh anong gaan ng pakiramdam ko
Kapag ikaw ay kasama
Ako'y parang nasa ulap ulap ulap ulap
Kapag ikaw ang kausap kausap kausap kausap
Isa kang anghel na mula sa langit
Ako ay pinagpala dahil sayo
Ako ay pinagpala dahil sayo
Ako ay pinagpala
Uh di ka na dapat pang mag-alala
Uh pag kasama ako'y kuntento na
Uh pwede tayong maglakbay kahit pa saan
Habang mag kahawak ng kamay
Uh mga nakikita mo lamang sa emahinasyon mo ay
Gawin nating tunay lagyan nating kulay
Parang mga bata na naglalaro ng krayola
Di alintana ang mga problema sa buhay buhay
Uh ako'y pinagpala bigla ni bathala sa likod ng mga
Nagawa kong sala ay iyong tinama isa kang biyaya
Na galing sa kanya
Uh simple lang naman ang hiniling ko sa taas
Sobra yung pinadala wala pang katumbas
Bawat pangyayari satin aking susulitin
Di magdadalawang isip na ito'y ulit ulitin ang sarap
Ako ay parang nasa alapaap
Oh anong gaan ng pakiramdam ko
Kapag ikaw ay kasama
Ako'y parang nasa ulap ulap ulap ulap
Kapag ikaw ang kausap kausap kausap kausap
Isa kang anghel na mula sa langit
Ako ay pinagpala dahil sayo
Ako ay pinagpala dahil sayo
Ako ay pinagpala
Pinagpala ng diyos ama
Tanging dalangin habang buhay magkasama
Hulog ka ng langit hindi ko inaasahan
Sakin babagsak ang tulad mong aking pinapantasya
Di ko akalain may biyayang anghel na paparating
Sugatang damdamin puso kong nababalutan ng tinik
Ikaw ang nagpagaling
Talaga namang swerte ang mapadpad ka sa tabi ko
Tamang tama lang ang pagpana sakin ni kupido
Hinding hindi na lalayo nandito lang para sayo
Aalagaan ka hanggang oras natin ay huminto
Madilim na landas ikaw ang nagbibigay liwanag
Pagkasama lagi akong napapanatag
Salamat at ikaw ay dumating
Wala ng hahanapin sayo lang nakatingin
Ako ay parang nasa alapaap
Oh anong gaan ng pakiramdam ko
Kapag ikaw ay kasama
Ako'y parang nasa ulap ulap ulap ulap
Kapag ikaw ang kausap kausap kausap kausap
Isa kang anghel na mula sa langit
Ako ay pinagpala dahil sayo
Ako ay pinagpala dahil sayo
Ako ay pinagpala