Minamahal Kita 歌詞
Minamahal Kita - Ogie Alcasid (奧吉·阿爾卡西德)
Aking mahal iniisip kita
Minimithi na ikaw ang laging kasama
O giliw ko hindi magmamaliw
Ang pagmamahal na inalay ko sayo
Ang puso ko ay para lang sayo
Pinapangako kong hindi ako magbabago
Kahit na nag-aalinlangan ka
Hinding-hindi maglalaho ang pagsinta
Minamahal kita
Ikaw at walang iba
Tunay at wagas ang pag-ibig na nadarama
Sana ay pagbigyan
Ang tanging hiling
Na magpakailanman ik'ay maging akin
Kahit na nag-aalinlangan ka
Hinding-hindi maglalaho ang pagsinta
Manalig ka
Minamahal kita
Ikaw at walang iba
Tunay at wagas ang pag-ibig na nadarama
Sana ay pagbigyan
Ang tanging hiling
Na magpakailanman ik'ay maging akin
相關歌曲
熱門歌曲