收聽Smugglaz的Nakakamiss歌詞歌曲

Nakakamiss

Smugglaz, Curse One, Dello, Flict G.2014年12月16日

Nakakamiss 歌詞

Nakakamiss - Smugglaz/Curse One/Dello/Flict G.

Na na nana na na na na na na na na na na na

Na na nana na na na na na na na na na na na

Madaming ngyari taon ang binilang ka jaming kong pare

Napapangiti lang ngayon naalala maulit yun sana

Nakaka miss lang kasi

Hindi ko mapigil ang mga ngiti ko pag naaalala mga bagay na to

Kay sarap balikan tamis na nagdaan

Nakaka miss lang kase

Sa tagal ng panahon

Kamusta ka naba kamusta naba sya

Ano ba ang lagay ng ibang tropa ngayon

Inuman kulitan harutan asaran

Nakaka miss lang kase

Kamusta ka naba smugg ok lang naman curse

Kamusta ka naba curse ok lang naman smugg

Salamat at nakagawa nanaman tayo ng isa nanaman kanta na tila makapagbagbag

Damdamin kundi pag babahagi din ng bawat pangyayari sa mga buhay natin nadagdag

Kahit na hindi na tayo tulad pa ng dati

Na laman ng kalye dahil mga oras natin maluwag

Oo nga eh sa kung pwede lang tayo

Lahat ay bumalik sa ating nakaraan

Makikita mo kung merong nawala na sa ngayon

Mga bagay bagay na di na pwedeng balikan

Makulay ang ganda ang sarap pag masdan

Makulay ang ganda ang mga nagdaan

Sa likod ng nilakaran ko nadala ng kapalaran ko

Bakas ang mga aral sa ating mga karanasan ngayon natutunan ko

Ang tama at mali teka sandali kamusta na kaya yung iba

Yung iba sikat na yung iba angat na yung iba may mga anak na

Sana naman tayo di magkalimutan

Ano man ang mangyari kapatid o pare ilang ulit man madapa tuloy lang

Sa mga pangarap natin kahit ano pa mangyari ay wag kayong bumitaw

Dahil pangarap natin bukas

Sa tagal ng panahon

Kamusta ka naba kamusta naba sya

Ano ba ang lagay ng ibang tropa ngayon

May kanya kanyang buhay na sana palagi kayong masaya

Nasaan man o ano man ang ginagawa niyo

Sana'y laging maalala niyo noon kung ano tayo

Minsan naman minsan naman

Inuman kulitan harutan asaran

Nakaka miss lang kase

Kamusta kanaman dells

OK kanaman ba

OK naman flict laging click mga rampa

Daming nag pa flick mga chick na maganda

Bigla ko lang namiss makulit na alaala

Samahan ng mga tropa sa may puno ng makopa

Gusto nyo ng taguan wala pang games mga dota

Tagayan sabayang hagikgik mga tawa

Kaya parang ba ngayong ay nasa beach makasama

Kasi naalala ko ang katambayan sa looban

Kasabwat sa lahat ng pagawa ng kalokohan

Pero merong damayan sa problemang kaharap

Masarap may kadamay gumaan ang kalooban

Naranasan ko noon teka nasan naba yon

Panahon tayo non tila ba nasa balon

Na punong puno ng alak hawak natin ang tunga

Ngumingiti ako kasi namiss ko yun bigla

Eh ikaw naman flict

Uy dello

Para bang malalim iniisip mo

Ha oo nga

Di ko lang talaga mapigilan na isipin ang mga bagay nato

Ang alin

Yung sana maulit natin ang mga panahon na dati

Wala pang kamalay malay sa mga

Bagay bagay na nagdudulot ng kalungkutan sa isa't isa

Walang hanggan pag ibig tanging laro ang hilig

Mga kabataan na naglalakbay sa hardin na puno ng himig

Nangangarap na lahat ng bituin ay mahawakan ng aking mga kamay

At ang mga kabiguan agad kalimutan sa agos ng buhay ay ipatangay

Sa tagal ng panahon

Kamusta ka naba kamusta naba sya

Ano ba ang lagay ng ibang tropa ngayon

May kanya kanyang buhay na sana palagi kayong masaya

Nasaan man o ano man ang ginagawa niyo

Sana'y laging maalala niyo noon kung ano tayo

Minsan naman minsan naman

Inuman kulitan harutan asaran

Nakaka miss lang kase

Madaming ngyari taon ang binilang ka jaming kong pare

Napapangiti lang ngayon naalala maulit yun sana

Nakaka miss lang kasi

Kahit ano pa mangyari wag kayong bumitaw

Hanggat hindi niyo pa abot lahat ng tala sa taas dahil dahil

Nakaka miss lang kasi

Hindi ko mapigil ang mga ngiti ko pag naalala mga bagay nato

Kaysarap balikan tamis na nagdaan

Nakaka miss lang kasi

Sige lang tuloy tuloy tuloy lang

Sana'y palaging kasama kundi kayo

 

Nakakamiss lang kasi