Tulak Ng Bibig, Kabig Ng Dibdib 歌詞
Tulak Ng Bibig, Kabig Ng Dibdib - Lilet
Written by:Rodolfo Ongpauco
Mahal pala kita
Ngayon ko lamang nadama
Kung kailan nawala
Saka hinahanap ka aking sinta
Ganyan pala ang umiibig
Lagi ka lang nasasa isip
Lagi kitang naaalala
Sa bawat saglit
Tulak ng bibig
Kabig ng dibdib
Ito'y kasabihang aking nabatid
Kung tuluyan mang ikaw ay mawala
Pikit mata pa rin kita'y hihintayin
Sa iyong pagbabalik
Ibibigay ko ang langit
Wagas na pagsinta
Walang mali na pag ibig
Ganyan pala ang umiibig
Lagi ka lang nasasa isip
Lagi kitang naaalala
Sa bawat saglit
Tulak ng bibig
Kabig ng dibdib
Kabig ng dibdib
Tulak ng bibig
Tulak ng bibig
Kabig ng dibdib
Kabig ng dibdib
Tulak ng bibig kabig ng dibdib
Tulak ng bibig
Kabig ng dibdib
Ito'y kasabihang aking nabatid
Kung tuluyan mang ikaw ay mawala
Pikit mata pa rin kita'y hihintayin
Tulak ng bibig
Kabig ng dibdib