收聽KC Concepcion的Agila (Haring Ibon)歌詞歌曲

Agila (Haring Ibon)

KC Concepcion2008年8月6日

Agila (Haring Ibon) 歌詞

 

Agila (Haring Ibon) - KC Concepcion

Written by:Joey Ayala/Sammy Asuncion

Nais kung lumipad tulad ng agila

 

At lumutang lutang sa hangin

 

Magkaroon ng pugad sa puso ng kagubatan

Ngunit ito ay panaginip lang at maaring di matupad

 

'Pagkat ang kagubatan ay unti unting nawawala

 

Mga puno nito'y nangingibang bayan

 

At 'pag walang puno wala na ring mapupugaran

Kapag ang agila'y walang pugad

 

Wala na syang dahilang lumipad

 

Oh haring ibon

 

Hari kung tunay

 

Nais kung tumulong ng kaharian mo'y muling mabuhay

 

Kung nais mong makakita ng agila

 

H'wag kang tumingala't tumitig sa langit

 

'Pagkat ang mga agila nitong ating bayan

 

Ang iba'y nabihag na

Ang natitira'y bihirang magpakita

 

Tiniklop na nila ang kanilang mga pakpak

 

Hinubad na nila ang kanilang mga plumahe

 

At sila'y nagsipagtago sa natitirang gubat

Ang lahi ba nila'y tuluyan ng mawawala

 

Oh haring ibon

 

Hari kung tunay

 

Nais kung tumulong ng kaharian mo'y muling mabuhay

 

Oh haring ibon

 

Hari kung tunay

Nais kung tumulong ng kaharian mo'y muling mabuhay

 

 

Lilipad lilipad