
Kaisang Puso 歌詞
Kaisang Puso - Various Artists
Written by:N. Arnel de Pano
Magmula pa noon ay ikaw na nga
Ay minimithi ng bawat gunita
Laging sasambitin sa bawat dalangin
O Diyos siya nga kaya para sa akin
Magmula pa noon kay Hesus na nga
Inialay ang nagbungang pagsinta
Maging ang pangarap nawa'y maging ganap
Magkasama hanggang siya'y makaharap
Harapin natin ang bukang liwayway
Ganito ang pangako ang tinataglay
Nang ating bukas nang ating buhay
Kaisang puso ang dakilang patnubay
Sa may kapal ang pagmamahal mag tatagal
Magmula ngayon ay italaga
Sa pag ibig man ay paghariin siya
Laging isangguni sa bawat sandali
Kay Hesus tayo umasa ng lagi
Harapin natin ang bukang liwayway
Ginintuang pangako ay tinataglay
Nang ating bukas nang ating buhay
Kaisang puso ang dakilang patnubay
Laging isangguni sa bawat sandali
Kay Hesus tayo umasa ng lagi
Lagi
Harapin natin ang bukang liwayway
Ginintuang pangako ang tinataglay
Nang ating bukas nang ating buhay
Kaisang puso ang dakilang patnubay
Nang ating bukas nang ating buhay
Kaisang puso ang dakilang patnubay